MENU
Tuesday, 30 March 2021 04:14

Agrikonomiya 2021

 

Umani ng Pangkalahatang Kampeonato ang Philippine Science High School-Bicol Region Campus sa nakaraang Agrikonomiya 2021 mula sa 80 paaralan na lumahok mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Pinangasiwaan ng UP Agricultural Economics Circle ang nabanggit na kompetisyon na may temang "On the Rise: Economics Resurgence through Agriculture" at binubuo ng patimpalak para sa Poster Making, Spoken Word Poetry, Essay Writing, at Agricultural Resolutions Pitch.


Nilalayon ng kompetisyong ito na maiangat ang kamalayan ng mga kalahok sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng agrikultura sa ating bansa at mahikayat ang mga mag-aaral na makilala ang papel ng Agricultural and Applied Economics.
Kaugnay sa indibidwal na patimpalak, buong-pusong ipinagmamalaki ng Pisay-Bicol ang inaning tagumpay para sa Unang Parangal nina Althea M. Mella sa kaniyang "Langit, Lupa, Impiyerno" para sa Spoken Word Poetry at Larry Owence Lañada sa kaniyang "Under the Nipa Roof" para naman sa Essay Writing.
Nais ring pasalamatan ang iba pang eskolar na lumahok gayundin ang lahat ng nagsilbing gurong tagapagsanay na kinabibilangan nina: Sir Gilbert H, Morente, Ma'am Hannah Fe Emila, Sir Jerry M. Noveno, Ma'am Feiliciana Benita Eloreta, Ma'am Ferly Lovete, at Sir Salvador Lumbria.


"Anumang itinanim na karunungan, aanihin ang karangalan."
Muli, maligayang pagbati sa lahat ng tagumpay na ito!
- Salvador Lumbria