MENU
Wednesday, 13 April 2022 01:50

Pisay-Bikol, kampeon ng Agrikonomiya 2022

Pisay-Bikol, kampeon ng Agrikonomiya 2022

Nagtagumpay muli sa ikalawang pagkakataon ang Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham- Kampus ng Rehiyong Bicol na muling makuha ang AgriKonomiya 2022 na ginanap-online noong Marso 26 ng nabanggit na taon.
Kung babalikan noong nakaraang AgriKonomiya 2021, ang Pisay-Bicol din ang itinanghal bilang kampeon at nag-uwi ng mga parangal para sa indibidwal na patimpalak.
Sa taong ito, anim na iskolar ang nabigyang parangal at pagkilala na kinabibilangan ng sumusunod na pangalan at ang kategoryang kanilang nilahokan: 

Rhoanne Z. Miranda, Mary Angelique C. Monzales, at Mithi Maria Philippe J. Renovalles - Ikalawang Parangal para sa Agricultural Resolution Pitch Competition

Deborah Catherine A. Gunoy - Ikalimang Puwesto para sa Essay Writing Competition (Filipino)

Angelica N. Maximo - Ikalabing-anim na Puwesto para sa Spoken Word Poetry Competition

Kaugnay sa kaligiran ng kompetisyon, pinangasiwaan ito ng Nilalayon nitong maiangat ang kamalayan ng kabataan sa mahalagang papel ng agrikultura sa ating bansa at mahikayat silang makiisa sa pagtataguyod ng adbokasiya nito. Nahahati din sa apat na kategorya ang patimpalak kabilang na ang
Sa kabuoan, aabot ng halos 106 paaralan mula sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas ang nakibahagi sa kompetisyon ngunit nagtagumpay muli ang Pisay-Bicol na manguna sa lahat.
- - -
Sa kabila nito, ipinaabot ng Pisay-BRC ang pagbati at pasasalamat sa mga iskolar na nagtagumpay at gayundin sa mga sumubok sa pagkakataon. Isang taos-pusong pasasalamat din para sa suportang ibinahagi ng mga magulang at sa pangkat ng mga gurong naging tagagabay at tagasanay na kinabibilangan nina:
Ang kampeonatong ito ay tagumpay hindi lamang ng iilan kundi ng kolektibong kahusayan ng mga nakibahagi sa kompetisyon.
One for all, all for one!

Teksto at Materyal ng Publikasyon: Salvador Lumbria