MENU
Thursday, 02 June 2022 06:49

Mga Delegado ng Pisay-BRC, Ibinida ang Kahusayan sa PMUNYS 2022

 

 Mga Delegado ng Pisay-BRC, Ibinida ang Kahusayan sa PMUNYS 2022

Nagpamalas ng angking talino, talento, at taglay na kasanayang pampananaliksik ang mga iskolar ng Pisay-Bicol sa paglahok sa ginanap na PSHS System Model United Nations Youth Summit (PMUNYS) 2022 noong Abril 20-22, 2022.
Layunin ng aktibidad na itong maisagawa ang tungkulin ng isang responsableng pagkamamamayan at pamumuno sa pamamagitan ng makahulugan at inklusibong pananaliksik, konsultatinong talakayan, at diplomatikong komunikasyon sa mga taong nagkakaiba ng lahing pinagmulan.
Sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan ng pagsulat at pagtatanggol ng mga posisyong papel na nakabatay sa balangkas ng United Nations, buong pagmamalaking ipinakikilala ang mga iskolar na nakatanggap ng parangal na kinabibilangan nina:
 
MARTIN ISABELLE E. BALLEBAR & JAY ADRIAN M. LOTIVO
(Komitiba ng UNESCO)
PInakamahusay na Tagapaglahad
Mga Gawad-Pagkilala para sa Posisyong Papel
Pinakamahusay na mga Resolusyong Papel (bilang kabahagi sa mga tagapanukala)
 
PRINCE JULIUS T. BABAS & SYBRENE GABRIELLE A. BOAQUEÑA
(Komitiba ng UNICEF)
Gawad-Pagkilala bilang tagapaglahad
Mga Gawad-Pagkilala para sa Posisyong Papel
Pinakamahusay na mga Resolusyong Papel (bilang kabahagi sa mga tagapanukala)
 
ISABELLA THERESE S. PEREZ & JOSE ANTONIO M. URSUA
(Komitiba ng UNDP)
Mga Gawad-Pagkilala para sa Posisyong Papel
Pinakamahusay na mga Resolusyong Papel (bilang kabahagi sa mga tagapanukala)
Bukod sa mga nabanggit na pangalan, ikinararangal din ng Pisay-Bicol ang ambag nina Michie Sharizz M. Magdasoc at Daryl Christian O. Rivera para sa paglahok at pagpamalas ng kanilang kakayahan; kina Renato F. Bolo III, Ma. Czarina Thea B. Belarmino at Claire Amethyss C. Moraña para sa pamumuno at pakikipag-ugnayan sa mga tagapangasiwa ng PMUNYS at sa ibang mga kampus ng PSHS, at kina Carlo Angelo R. Mañago at Zeah Immaculate T. Urgel sa tulong na ibinahagi sa pagsulat ng papel na nagkamit ng Unang Gantimpala sa nakaraang PMUNYS 2020 sa komitiba ng UNDP.
Gayundin, taos-pusong pagbati at pasasalamat ang ipinaaabot sa mga magulang at sa dedikasyong ibinahagi ng mga gurong tagapagsanay ng Yunit ng Agham Panlipunang kinabibilangan nina:
Victor D. Algabre
Armin M. Apostol
Delia P. Casasis
Michael Z. Mendoza
Hazel B. Valencia
Ang lahat ng inyong mga pagpupunyagi ay katuparan ng pangarap ni Rizal hindi lamang para sa mga kabataan kundi maging sa ating bayan. Pagpapatunay lamang ito ng pananaw ni Nelson Mandela, "Ang kabataan ng kasalukuyan ay ang lider ng kinabukasan."
Teksto at Materyal ng Publikasyon: Salvador DLS. Lumbria