MENU
Thursday, 29 April 2021 03:38

DIWA: 11th JUNIOR FOOD QUIZ BOWL

Isang mangkok ng tagumpay ang inihain sa hapag ng Pisay-Bicol matapos magwagi ng Ikatlong Parangal ang ating koponan sa nakaraang DIWA: 11th JUNIOR FOOD QUIZ BOWL na ginanap noong ika-24 ng Abril 2021.
Ang mga mag-aaral na lumahok at nagpamalas ng husay bilang isang pangkat ay kinabibilangan nina:
Althea Mella (G12);
Clarice Jean Panday (G12); at
Shekinah Jira Molato Mesa (G11).
Nilalayon ng nabanggit na kompetisyon na itaguyod ang larang ng Food Science and Technology sa mga mag-aaral ng sekondarya bilang isang disiplinang nag-uugnay sa lipunan tungo sa pagkakaroon ng maunlad na komunidad. Pinangunahan ng Philippine Association of Food Technologists - Alpha Chapter ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng Zoom.
Bilang pasasalamat, malugod ang pagbating ipinaabot ng buong Pisay-Bicol sa mangkok ng tagumpay na inyong inihain sa ating paaralan. Ipinaaabot din namin ang pasasalamat kay Junlee G. Vargas bilang tagapaggabay sa mga mag-aaral at sa walang sawang suporta mula sa ating ginagalangang kampus-direktor Engr. Lorvi B. Pagorogon.
Ang inyong karangalan ay ating pagsasaluhan!
- Salvador Lumbria