MENU
Friday, 11 March 2022 02:22

Yanto at Salazar kinilala sa SEAMO X 2022

Yanto at Salazar kinilala sa SEAMO X 2022
Parangal at pagkilala sa pandaigdigang antas ang bumungad sa unang buwan ng taong 2022 sa Pisay-Bicol dulot ng paglahok nina Ralph Richard B. Yanto at Jose Carlo C. Salazar sa naganap na Southeast Asian Mathematical Olympiad o SEAMO X 2022 noong ika-15 ng Enero ng nabanggit na taon.
Tagumpay na naiuwi ni Yanto (Baitang 12) ang Bronseng Medalya matapos makuha ang ika-6 na puwesto sa pangkalahatang resulta sa kaniyang pagharap sa Champions Division. Ginawaran naman ng Kreditong Pagkilala si Salazar (Baitang 11) dahil siya ang nanguna sa puwesto sa kabuoang talaan ng resulta para sa Open Division.
Kabilang ang dalawang nabanggit na iskolar sa mga naging kinatawan ng Pilipinas at humarap sa mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng Timog-Silangang Asya para sa natatanging pagkilala sa larang ng Matematika.
Ipinaaabot ang pagbati sa mga iskolar na nagwagi, gayundin sa mga guro ng Pisay-BRC at mga magulang na nagsilbing tagapaggabay.
Teksto: Salvador DLS. Lumbria
Publikasyong Materyal: Glaiza R. Reobilo