MENU
Sunday, 16 May 2021 23:35

NOIPH FINAL ROUND 2021

NOI.PH FINAL ROUND 2021

Hindi patitinag ang diwa ng Pisay-iskolar.
Ito ang pinatunayan ni John Angelo "Jolo" Oringo matapos matamo ang ikawalong puwesto sa naganap na National Olympiad in Informatics Philippines noong ika-10 ng Mayo, 2021.
Maituturing na mapanghamon ang kompetisyong ito na tanging teknolohiya at lohika ang sandata kaharap ang parehong mahuhusay na katunggali mula sa iba't ibang panig ng ating bansa.
Ngunit sa isang iskolar na tulad ni Jolo, isa itong malaking oportunidad upang maipamalas ang pagiging "siyentek" o mahusay sa parehong larang ng agham at teknolohiya. Kaakibat din ito ng tungkulin bilang iskolar ang mahasa ang kakayahan na hindi lamang matatamo sa loob ng silid-aralan kundi maging sa malawak na mundong ginagalawan.
Bukod sa kaniyang pakikihamok sa oportunidad, kasama rin niyang nakilahok ang iba pang iskolar na kinabibilangan nina John Eric Estrada at Clyde Borrega na matagumpay ring nakaabot hanggang sa pinal na bahagi ng kompetisyon.
Kanilang naging tagapamatnubay si John Rainer Joaquin, isang guro sa Computer Science , na naging kabalikat ng mga magulang at ng ating institusyon sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala sa kanilang kakayahan.
Ipinaaabot ng Pisay-Bicol ang pagbati sa inyo.
- Salvador Lumbria