MENU
Thursday, 20 May 2021 23:25

SIHAY National Biology Olympiad 2021

SIHAY National Biology Olympiad 2021
 
Ipinaaabot ang pagbati sa mga iskolar na nakilahok at nagwagi sa naganap na SIHAY National Biology Olympiad 2021 na may temang "SIHAY.plugged" sa pangangasiwa ng UP Cell Biological Society.
Itinataguyod sa taong ito batay sa nabanggit na tema ang Bioinformatics bilang tagapagsulong ng Haynayan ng darating na panahon.
Ang mga iskolar na lumahok, nagtagumpay, at nagpamalas ng kanilang kahusayan ay kinabibilangan nina:
Owence E. Lañada
Unang Parangal para sa Digital Poster Making
Mikaiah Bien, Patricia Ner, at Adrian Richard Salazar
Ikatlong Parangal bilang isang koponan para sa
Junior Life Sciences Research Olympiad
Sa halos 36 na paaralang lumahok, ang ating kampus, Mataas na Paaralan ng Agham sa Pilipinas - Kampus ng Rehiyong Bicol, ang nakakuha ng ikalawang puwesto sa pangkalahatan.
Sa kabuoan, aming pinasasalamatan ang pagsusumikap ng mag-aaral na ipakilala at itaguyod ang adhikain ng agham batay sa kanilang paglahok sa ganitong uri ng kompetsiyong nag-aangat ng larang ng Haynayan sa mga kabataan. Gayundin, lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga administrador, tagapayo, guro, at magulang sa kanilang patuloy na suporta.
Pagbati sa inyong lahat!
??????????? ???????? ???? ?? ?????????????? ????????
??? ???????? "?????" ? ?????? ?????? ???? ?? ?????? ?? ??????? ?? ????????? ???????? "????? ?? ?????" ??????????? ??? ???????? "????????" ????? ? ??????? ?? ???? ?? ????????? "????? ?? ???????."
 
- Salvador Lumbria