MENU
Friday, 25 March 2022 02:08

Oringo, Karangalan ng Bicol sa PMO 2022

Oringo, Karangalan ng Bicol sa PMO 2022
Kinilala bilang isa sa pinakamahusay na kalahok ng rehiyon si John Angelo O. Oringo, iskolar ng Pisay-Bicol mula Baitang 12, sa naganap na birtuwal na gawad-parangal ng ika-24 na Philippine Mathematical Olympiad (PMO) noong Marso 20, 2022.
Ang PMO ay isa pinakaprestihiyosong pambansang kompetisyon sa larang ng Matematika para sa mga mag-aaral ng sekondarya. Itinuturing na isang pribelihiyo ang maagwagi o kilalanin sa kompetisyong ito dahil sa pagdaraanang pagsubok ng kiritikal, lohikal, at analitikal ng pag-iisp ng bawat kalahok.
Kaugnay nito, tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na husay ni Oringo. Buong pagbati at pagmamalaki ang inihahandog ng Pisay-Bicol ang kaniyang pagkilalang natamo. Pasasalamat din ang ipinaabot kay ??? ?????? ????, bilang gurong tagapagsanay.
Teksto at Materyal ng Publikasyon: Salvador Lumbria