MENU
Saturday, 03 June 2023 01:12

Class Aliraway Commencement Exercises 2023

Halina't ating saksihan ang ika-20 Palatuntunan ng Pagtatapos ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Bikol ngayong ika-3 ng Hunyo!
Sa temang "Pisay Iskolar: Diwa'y Agham, Puso'y sa Bayan", ating ipagdiwang ang mga tagumpay ng ating mga magsisipagtapos na nagpakita ng kanilang husay sa agham at nagpamalas ng kanilang puso para sa bayan.
Sa kanilang pagtatapos, patuloy nilang dadalhin ang adhikaing ito at maglilingkod bilang mga huwaran ng kabataan at magiging mga lider at siyentipiko ng ating bansa.
Samahan natin sila sa kanilang mahalagang yugto ng buhay. Sa ating pagkakaisa, patuloy nating palalakasin ang diwa ng edukasyon, agham at pagmamahal sa bayan. Mabuhay ang mga magsisipagtapos!